Ano Ang Importansiya Nang Independence
Ano ang importansiya nang independence
Answer:
IKA-12 ngayon ng Hunyo. Natatangi, mahalaga at makahulugan ang araw na ito sa kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas sapagkat ipinagdiriwang natin ang ika-120 Taon Anibersaryo ng ARAW NG KALAYAAN. Sa sambayanang Pilipino, isang dakilang araw ito na nagpapahalaga sa mga alaala at nagawa ng ating mga bayaning namuhunan ng buhay, talino, pawis, dugo at sakripisyo alang-alang sa Kalayaan. Ang mga nabanggit ang kanilang alay sa Kalayaan na tinatamasa at inaalagaan natin ngayon. At lahat ng mga pangyayaring lumagot sa tanikala ng pang-aalipin sa mga Pilipino ay bahagi na ng ating kasaysayan.
Bilang pagpapahalaga, sa lahat ng panig ng ating bansa sa mga bayan, lungsod sa mga lalawigan ay may idinaraos na makulay at makahulugang programa na magbibigay-kahulugan sa paksa ng pagdiriwang na: "Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan". Sa bayan ng Angono, ang lokal na tema ng pagdiriwang ay "Kasarinlan ng Bansa, Bayang Malaya". Ang nasabing paksa ay kaugnay ng pagsalubong sa ika-80 taon ng pagkakalagda ng pagsasarili ng Angono. Ang naganap na makasaysayang pangyayari noong Agosto 19, 1938.
Comments
Post a Comment